Ang Intramuros: Noon at Ngayon
Isa sa mga maituturing na kayamanan ng isang bansa ay ang kanyang kasaysayan at ang mga lugar na napangyarihan ng mga ito. Ang mga lugar na ito ang naging saksi sa mga makabuluhang pangyayari at di malilimutang kabayanihan ng mga tao sa panahong iyon.
Dito sa Pilipinas, maraming lugar ang makasaysayan na dinarayo hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ng mga dayuhan. Bilang isang kabataan, nakatutuwang makabisita sa mga lugar na bumubuo sa ating kasaysayan. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga ito.
Ang Walled City, Intramuros |
Ang Walled City o ang minsan na ring tinawag na Spanish Manila ay marahil isa sa mahahalagang lugar dito sa Pilipinas. Ito ang Intramuros na matatagpuan sa bahaging Timog ng Ilog Pasig, ang pinakaluma at pinakamatandang distrito at orihinal na siyudad sa Maynila. Ang pangalan nito ay hango sa salitang Kastila na intra na ang ibig sabihin ay loob at muros na ang ibig sabihin ay pader.
Ang mga Kastila, lalo na ang mga Peninsulares ay sa Intramuros namamahay at naghahanapbuhay samantalang sa labas naman nito ay namamayani ang mga katutubo na halos karamihan ay mahihirap. Samantala, ang mga Intsik, na ang karamihan ay mayayaman ay namamayani dahil hawak nila ang pangangalakal. Dumaan ang mga taon at ang bilang nila ay dumami hanggang sa naging banta sila sa pamamahala ng mga Kastila.
Ngunit bago pa man dumating ang mga Kastila, ang lugar na ito ay pinamumunuan na ng mga katutubong Pilipino kabilang ang mga Datu, mga Raja at mga Sultan. Ang lokasyon nito ang nagsilbing daungan ng mga mangangalakal na Tsino at iba pang mga karatig bansa. Ito ay napapaligiran ng Ilog Pasig at Look ng Maynila na nagsilbing daanan ng mga barko sa pakikipagpalitan ng produkto.
Ang Intramuros sa Panahon ng mga Kastila
Noong 1570, pumunta ang mga Kastila sa Maynila nang mabalitaan nilang masagana ang lugar na ito na noo'y pinamamahalaan ng mga Raja kung kayat nagkaroon ng alitan sa pagkontrol ng lupa. Matapos ang pakikipaglaban ng ilang buwan, nagapi ang mga katutubo at nakipagkasundo ang mga Kastila sa tribo ni Raja Sulayman, Raja Lakandula at Raja Matanda na kung saan ibinigay ang Maynila sa mga Kastila. Noo'y di'y idineklara ni Legazpi ang Maynila bilang kabisera ng kolonyang Espanya.
Ang Pagpapatayo ng mga Pader
Ipinatayo ang mga pader sa Maynila sa kadahilanang upang maproteksyunan ang lungsod na nahaharap sa panganib ng mga kalamidad na dala ng kalikasan at ng tao, at maging ng mga mananalakay sa labas. Sinalakay ang lungsod ng mga piratang Intsik sa pamumuno ni Limahong. Nasira at nawasak ang lungsod kung kayat ginawa ang pagpapatayo ng mga pader. Marami pang pagpapainam ang ginawa dito sa pamumuno ng mga nahaliling mga Gobernador Heneral.
Sa Loob ng Kolonyal na Intramuros
Ang Intramuros may anim na malalaking simbahan: ang Katedral, ang San Agustin, ang Santo Domingo, ang Recoletos, ang San Francisco at ang San Ignacio. Dahil dito binansagan ang Intramuros na Lungsod ng mga simbahan. Lahat ng ito'y nawasak ng magdaan ang digmaang pandaigdig.
Sa Intramuros din ang naging sentro ng edukasyon. Ipinatayo rito ang mga Pamantasan katulad ng Pamantasan ng Santo Tomas at Colegio de San Juan de Letran.
Mapa ng Intramuros sa kasalukuyang panahon |
Malaki man ang pinagkaiba ng Intramuros noon at ngayon, may mga ilan pa rin naman ang nanatili na hanggang sa ngayon ay pinangangalagaan.
Pisikal na Anyo ng Pader
Ang Intramuros ay may pitong balwarte (mula pa-orasan hanggang Fort Santiago), ang Balwarte ng Tenerias, Aduana, San Gabriel, San Lorenzo, San Andres, San Diego at Plano. Dahil bawat balwarte ay itinayo sa iba't ibang kapanahunan, iba't iba ang mga anyo nito. Ang pinakamatanda sa mga ito ay Balwarte ng San Diego.
Mga Pintuang-daan ng Intramuros
Ang mga lagusan ng lungsod ay sa mga walong pintuang-daan, na tinatawag ding Puerta. Ang mga ito ay (pa-orasan, mula Fort Santiago) Puerta Almacenes, Puerta de la Aduana, Puerta de Santo Domingo,Puerta Isabel II, Puerta de Parian, Puerta de Real, Puerta Sta. Lucia at Puerta del Postigo.
Rehabilitasyon at Administrasyong Intramuros
Noong 1951, idineklara bilang Pambansang Bantayog ang Intramuros maging ang Fort Santiago sa ilalim ng Batas Republika Blg 597, na siya ding nagtatakda ng patakaran ng pagbabalik, pagpapatayong-muli at pagsasaplanong urban ng Intramuros. Ilang mga katulad na batas din ang itinakda ngunit dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi naging maganda ang kinalabasan. Noong 1979, sa ilalim ng Kautusan ng Pangulo Blg 1616, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ay itinatag ang Administrasyong Intramuros.

Ang Intramuros sa Panahon ng mga Amerikano
Matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano, isinuko ang Pilipinas at iba pang mga teritoryo nito sa Amerika bilang pagtupad sa Kasunduan sa Paris sa halagang $20 milyon. Maraming mga binago ang mga Amerikano sa lungsod, gaya noong 1903 kung saan giniba ang pader mula Puerta Santo Domingo hanggang Puerta Almacenes at ang pantalan sa timog na bahagi ng Ilog Pasig ay pinainam. Ang mga tinanggal na bato ay ginamit sa paggawa sa iba pang bahagi ng lungsod.
Kasalukuyang Intramuros
Sa panahon ngayon, ang Intramuros na lamang ang nagsisilbing distrito sa Maynila na bakas pa rin ang impluwensyang iniwan ng mga Kastila. Ang bahaging ito ay pinangangalagaan ng Administrasyong Intramuros. Ngayon ay nagsisilbi itong bantog na atraksyon at pasyalan sa mga dayuhan. Ang isa sa mga plano ng Intramuros sa hinaharap ay ang pagkumpleto sa pagbuo ng pader upang lubusan na itong pumalibot sa lungsod sa pamamagitan ng tulayan sa ibabaw ng mga pader. Ilang mga modernong kainan din ang ipinatayo sa Intramuros.
Mga Paaralan
Ang Colegio de San Juan de Letran na nawasak noong digmaan ay itinayo ulit sa pareho nitong lugar maging ang Colegio de Santa Rosa at ang Mataas na Paaralan ng Maynila. Ang Pamantasan ng Santo Tomas naman ay inilipat sa Sampaloc dahil sa dumarami nitong mga mag-aaral. At nagtayo rin ng iba pang mga Pamantasan sa Intramuros.
Mga Simbahan
Sa pitong orihinal na simbahan sa loob ng pader, dalawa na lamang ang nanatili: Ang Simbahan ng San Agustin na itinayo noong 1607 at pinakamatandang gusali sa Maynila, at ang Katedral ng Maynila, na nasira at itinayo muli noong dekada 1950. Ang iba pang mga simbahan ay itinayo rin ngunit sa labas na ng mga pader.
Mga Bantayog na Tumagal ng Siglo
Ang ilang mga bantayog na itinayo noong panahon ng Kastila ay nanatili hanggang sa panahon ngayon at makikita sa pa rin sa Intramuros. Ito ay ang mga Bantayog ng Anda, Bantayog ng Legaspi-Urdaneta, Bantayog ng Reyna Isabel II, Replika ng Bantayog ni Benavides (ang orihinal na bantayog nito ay nilipat sa kasalukuyang kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas) at Bantayog ni Carlos IV.
***
Fort Santiago: Kuta ng Kasaysayan
Ang Fort Santiago ay isang lugar na bahagi ng Intramuros na nagsilbing kuta ng mga Kastilang mananakop na itinayo sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi na kauna-unahang Gobernador-Heneral ng Spanish East Indies dito sa Pilipinas.
Ang reconstucted main gate ng Fort Santiago |
Ang lugar na ito ay naging saksi sa kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at ng Ikalawang digmaang pandaigdig. Ang pambansang bayani ng Pilipinas, si Gat Jose Rizal ay dito nakulong bago siya mahatulan at patayin. Sa Intramuros makikita ang Rizal Shrine Museum na kung saan ipinakikita ang mga naiwang mahahalagang bagay na may kinalaman kay Rizal at ang hinulma sa bronze na sinasabing huling bakas ng paa ni Rizal mula sa lugar na pinagkulungan sa kanya hanggang sa lugar kung saan siya hahatulan ng kamatayan.
Ang Fort Santiago ay ipinangalan kay Saint James The Great, isang santong patron na nakaukit ang larawan sa itaas ng gate ng Fort Santiago. Ito ay matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig at naging pangunahing pandepensa ng mga Kastila sa panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas. Ang lugar na ito ay naging malaking bahagi sa pakikipagkalakan ng produkto ng Amerika at Europa. Dito rin nagsimula ang kalakalang Galyon ng Maynila at Acapulco.
Orihinal na harapan ng Fort Santiago |
Kasaysayan ng Fort Santiago
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Fort Santiago, ang lugar na ito ay nagsilbi ng kuta ng mga katutubong Pilipino sa pamumuno ni Raja Matanda, isang Muslim. Ang lugar na ito ay winasak ng grupo ni Martin de Goiti at noon di'y inayos ang lugar upang gawing kuta naman ng mga Kastila.
Ang unang struktura nito ay nasira nang salakayin ito ng mga manghihimagsik na Tsino na pinamunuan ni Limahong na noo'y dahilan din ng pagkamatay ni Martin de Goiti. Dahil dito, pinatapon ang mga Tsino palabas ng bansa.
Taong 1590 hanggang 1593, sa ilalim ng panahon ng pamumuno ng nakatalagang Gobernador-Heneral na si Gomez Perez Dasmarinas, binuo muli ang mga nawasak sa Fort Santiago gamit ang mga orihinal na ginamit sa pagpapatayo ng mga pader ng Intramuros ngunit ang harapan nito ay nawasak naman dahil sa lindol taong 1880 na dahilan upang mabago ang orihinal nitong disenyo.
Panahon ng pananakop ng Great Britain
Sa panahon ng pananakop ng Great Britain sa Pilipinas, taong 1762 sa pamumuno nila Brigadier-General William Draper at Rear-Admiral Samuel Carnish ay nilusob at nasakop ang Maynila kabilang ang Fort Santiago.
Ang pagtaas ng watawat ng Amerika sa Fort Santiago |
Panahon ng kolonya ng Amerika
Taong 1898, bilang tanda na pinamumunuan na ng bansang Amerika ang Pilipinas, sinagawa ang pagtataas ng watawat ng Amerika sa Fort Santiago at nagsilbi rin itong headquarters ng mga sundalong Amerikano. Noong panahong ding iyon ay nagkaroon ng mga pagbabago sa Fort Santiago kabilang na ang pagaalis at pagpapatuyo ng mga tubig na nakapalibot dito at ginawang golf course.
Ang nawasak na gate ng Fort Santiago nang panahon ng WWII |
Panahon ng Ikalawang digmaang pandaigdig
Noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang Fort Santiago ay nasakop ng mga Hapon at ginamit nila ang mga kulungan at lihim na lagusan nito sa mga bihag nilang mga Amerikano at Pilipino.
Naharap sa matinding kahirapan at malubhang pagkasira ang Fort Santiago dahil sa naganap na digmaan. Matatayang anim na raang Amerikano ang namatay dito lalo na sa mga lihim na daan o taguan na tinatawag na dungeons dahil sa masikip nitong lugar. Namatay sila dahil sa gutom at sa hirap ng paghinga.
***
Rizal Park: Ang Makasaysayang Liwasan
Ang Luneta Park na kilala rin sa tawag na Rizal Park ay ang pinakamalawak, pinakasikat at pinakapinupuntahan ng mga tao bilang pasyalan dito sa Pilipinas. Mahalagang lugar ito para sa mga Pilipino dahil dito naganap ang makasaysayang paghatol kay Gat Jose Rizal ng kamatayan. Ang Luneta Park ay pinalitan ng pangalan at ginawang Rizal Park noong 1913 bilang pagbibigay pugay at karangalan kay Rizal para sa nagawa niya sa bayan na pagbubuwis ng sarilinng buhay.
Ang Luneta ay galing sa salitang 'lunette' na ang ibig sabihin ay crescent moon na hugis ng parke. Isa ito sa pinakamalalaking parke sa buong timog-silangang Asya na may sukat na 58 ektaryang lupa at kayang sakupin ang buong sukat ng bansang Vatican City na may sukat lamang na 44 ektarya. Noong 1872, sa lugar na ito rin naganap ang paggarote sa tatlong paring martir na sila Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na mas kilala sa bansag na GOMBURZA
Ang pagpaplano at pagpapatayo ng monumento ni Rizal ay naganap sa panahon ng kolonya ng Amerika ang Pilipinas sa pamamagitan ng Act No. 243 na inaprubahan ng United States Philippine Commission sa ilalim ng awtoridad ng noo'y presidente ng Amerika na si Theodore Roosevelt.
Noo'y ri'y nagkaroon ng pandaigdigang kompetisyon sa pagdidisenyo ng monumento at inimbitahan ang mga iskultor sa Europa at Amerika. Ang nanalo ay si Carlos Nicoli na taga-Spain at tinawag niya ang kanyang iskultura na Al Martir de Bagumbayan na ang ibig sabihin ay To the Martyr of Bagumbayan. Gayunpaman, ang kontrata para sa pagdidisenyo ng nasabing monumento ay ipinagkaloob sa ikalawang nanalo. Ito ang Motto Stella, orihinal na pangalan ng Rizal Monument na ang ibig sabihin ay guiding star, ni Richard Kissling, isang Swiss na iskultor. Ang monumento ni Rizal ay inihayag at isinapubliko noong Disyembre 30, 1913 na panahon ng ika-17 na anibersaryo ng kamatayan ni Rizal na ngayon ay mahigit daang taon na.
Ang malapitang larawan ng monumento ni Rizal |
Ang monumento ni Rizal ay gawa sa bronze at naroon din ang kanyang mga labi. Ang disenyo ng monumento ay nagpapakita na si Rizal ay may hawak na libro na sumisimbolo sa dalawa niyang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang obelisk ay sinasabing para sa masonic background ni Rizal at ang tatlong bituin na sinasagisag ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ang nasa gilid nama'y nagpapakita ng isang ina na may kargang bata at dalawang bata na nag-aaral na sumisimbolo sa pamilya at edukasyon. Sa likod naman ng monumento makikita ang mga dahon at palayok na sumasagisag naman sa pinagkukunang likas na yaman ng Pilipinas.
Ang kasaysayan ng Rizal Park ay nagsimula nonog taong 1820 nang mabuo ang Paseo de Luneta na nasa likod lamang ng mga pader sa Maynila noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Bago pa man magkaroon ng parke, nakatayo na roon ang maliit na bayan na tinatawag na Nuevo Barrio o ang Bagumbayan. Ang mga bayan na dito at ang mga simbahan na malapit sa Intramuros ay ginawang panakip ng mga Briton nang umatake sila.
Kasalukuyang umiiral ang Plaza Miranda bilang isang liwasan ng kalayaan, freedom park kung saan maaaring magtanghal ang mga tao ng mga kilos-protesta nang hindi kailangang humingi ng pahintulot mula sa pamahalaang panlungsod, at dahil libu-libong katao ang tumatawid dito araw-araw, kinikilala rin ito bilang Times Square ng Maynila
Kung pagbabasehan ang dalawang larawan sa itaas, masasabing walang bagong struktura ang itinayo sa gilid ng Plaza Miranda makalipas ang limang taon simula taong 2011.
Matapos doon ay sumakay na kami ng Jeep (P7) para pumunta sa susunod naming pupuntahan, ang Intramuros. Bumaba kami sa Lawton at mula roon matatanaw ang Manila Metropolitan Theater.
Ang Manila Metropolitan Theater na kilala rin sa tawag na MET, ang pinakatanyag na istruktura sa Maynila noong panahong ang syudad ay tinaguran pang Milan of Asia. Tanghalan ito noon ng mga opera, vaudeville, zarzuela, the Manila Symphony at nagsilbi itong tahanan ng sining at kultura ng bansa.
Sa paglipas ng panahon, nawasak at nasira ang MET. Bumuhos man ang tulong para sa pagpapagawa nito, hindi pa rin ito naging sapat upang maibalik ang dati nitong katanyagan. At ngayo'y sinasabing may kababalaghan sa loob ng teatro.
Naglakad kami hanggang sa marating namin ang Plaza Lawton o mas kilala rin sa tawag na Liwasang Bonifacio. Ang lugar na ito ay nanggaling at ipinangalan kay Henry Ware Lawton, isang heneral na Amerikano. Nonog 1963, pinalitan ang pangalan nito at ginawang Liwasang Bonifacio, na ipinangalan naman kay Andres Bonifacio na nanguna sa Katipunan noong panahon ng mga Kastila blang pagupugay sa kanyang kabayanihan
Ilang lakad lamang mula sa Liwasang Bonifacio ay mararating na ang Walled City, Intramuros.
Ang saya sa pakiramdam na makatapak at makita ang lugar na ito. Nasabi ko sa sarili ko na isa akong dayuhan sa sarili kong bayan dahil ito ang unang pagkakataon na makita ang lugar na iyon. Tila isa akong batang dinala ng aking mga magulang sa Disneyland o hindi kaya ay sa Enchanted Kingdom dahil hindi maialis sa aking labi ang mga ngiti at sayang nararamdaman ko noong mga panahnog iyon. Nainitindihan ko naman ang
aking sarili dahil bago pa man ako pumunat sa Intramuros ay excited na talaga ako.
Habang naglalakad, maraming estudyante kaming nakakasabay dahil may mga naitayo ngang mga paaralan dito. Narito ang San Juan de Letran, Lyceum of the Philippines University at iba pang Unibersidad na halos magkakatabi lamang.
Sa nakita ko sa kanila, normal na lamang at sanay na silang makita ang Intramuros dahil araw-araw nila itong nadaadanan hindi katulad ko na ibang saya ang nararamdaman.
Habang naglalakad kami, nasabi ko sa sarili ko na maswerte ako dahil nakita ko ang Intramuros na ganito ang kalagayan. Maaari kasing mabago ang pisikal na anyo nito at mawala o masira ang mga lugar dito kung matagal pa ako makakapunta dito.
Natuwa ako nang makita ko ang Intramuros ngunit mas natuwa ako nang nakakita ako ng gwardiya doon na ang uniporme ay nakadisenyo noong panahon ng mga Kastila. At bilang remembrance, nagpapicture ako kasama siya.
Mula sa lugar kung saan kami pumasok ng Intramuros, sumakay kami ng pedicab (P50) upang makapunta sa Fort Santiago.
Malawak ang parteng unahan ng pasukan ng Fort Santiago. Maganda ang view sa lugar na iyon.
Ilang lakad lamang mula sa unahang bahagi ng Fort Santiago na pinasukan namin ay mararating na ang main gate Fort Santiago noong ng pananakop ng mga Kastila.
Noong araw na kami ay pumunta roon, maraming mga dayuhan ang mga bumibisita.
Ang nasa kaliwang bahagi ay ang larawan na kung saan makikita ang main gate ng Fort Santiago na kung saan sa loob nito ay nakatira noon ang mga Kastila
Ang kanang bahagi naman ay nagpapakita ng mga bakas ng hakbang ni Rizal mula sa lugar kung saan siya ikinulong hanggang sa paapsok ng gate ng Fort Santiago.
Sa itaas na bahagi ng gate ng Fort Santiago, makikita ang inukit ang larawan ni St. James na kung saan sa kanya ipinangalan ang lugar.
Makikitang nakasakay ito sa kabayo at may hawak na espada.
Marami akong nakitang mga mahahalagang lugar sa Intramuros. Kabilang na ang mga dungeons, mga lihim na daan at mga kulungan.
Nang makita ko ang lugar kung saan noon ikinulong si Rizal, nakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili. Iba ang pakiramdam ko. Tila may kurot sa aking dibdib at bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.
Matapos naming pumunta sa Palacio del Gobernador at Manila Cathedral, sumakay kami ng jeep (P7) papuntang Luneta. Kumain muna kami bago libutin ang liwasan.
References
***
Ang Makabuluhang Pagbisita sa mga Makabuluhang Lugar sa Maynila
Bilang isang Pilipino, karangalan para sa akin na makita ang mga lugar na makasaysayan dito sa Pilipinas. Nakadaragdag ito sa aking pagka-Pilipino at mas nararamdaman kong bahagi ako ng nasyong Pilipinas. Saludo ako sa mga bayaning nagbuwis at nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Walang takot nilang hinarap ang lakas ng puwersa ng mga mananakop at buong giting silang lumaban para sa bayan.
Minsan napaisip ako, kung ako kaya ay naroon sa mga panahong iyon? Ibubuwis ko rin ba ang aking buhay para sa aking bayan o magtitiis na lang para sa sariling kaligtasan? Lalaban ba ako kahit wala akong kalaban-laban o mananahimik na lang ako at magsusunod-sunuran? Ang sagot ko, lalaban ako. Dahil kung ako ay mamamatay rin lang, mas gugustuhin ko nang mamamatay nang lumalaban.
Ang panahon noon ay hindi malaya ang mga Pilipino na maging Pilipino. Ipinagbabawal ang kahit anumang pagpapakita at pagiging makabayan. Kaya, maswerte ako at kaming mga kabataan ngayon na hindi namin naranasan ang mga bagay na naranasan ng mga Pilipino sa panahon ng mga dayuhan.
Sa kasalukuyang panahon, masasabing malaya na ang mga Pilipino. Bakas na lamang ng mga impluwensya ng mga dayuhan ang naiwan dito sa Pilipinas katulad ng relihiyon, kultura, pananamit, paniniwala at iba pa. At ang ilang makasaysayang lugar dito sa Pilpinas, napanatili at napangalagaan.
Para sa akin bilang isang mag-aaral, mahalaga na makita at mapuntahan ko ang mga lugar na makasaysayan dito sa Pilipinas, mga lugar na masasabi kong kayamanan ng mga Pilipino. Masaya sa pakiramdam na makatapak sa mga lugar na ito. Itong proyektong historical sites visit na ito ay napakaganda ang layunin dahil nais nitong imbitahin ang mga estudyante na puntahan at bisitahin ang mga lugar na makasaysayan dito sa Pilipinas. Taos-puso akong nagpapasalamat sa aking guro na si Sir Fulo dahil nakatulong itong proyekto na ito sa akin upang mas lalong kong pahalagahan ang aking pagkatao bilang Pilipino. :-)
Ang Maynila ang napili kong lugar na puntahan dahil ito ay malapit lamang at dahil maraming lugar dito ang makasaysayan higit lalo ang Intramuros, Fort Santiago at Luneta Park na kung saan ay malaki ang bahagi sa kasaysayan ng bansang Pilipinas, dinarayo ito hindi lamang ng mga Pilipino pati na rin ng mga dayuhan.
Bago pa man ako pumunta sa mga lugar na balak kong puntahan, gabi pa lamang ay nag-ayos na ako ng mga gamit para wala akong makalimutan kinabukasan. Nagdala ako ng payong, cellphone, camera, pera, panyo, tubig at biscuit. At ang isa sa mahalaga, ay ang listahan ng aking mga pupuntahan o kung tawagin ay itinerary. Katulad sa pamamalengke, kailangan may dala-dalang listahan ng mga bibilhin upang walang makalimutan at di mapatagal. Ang kasama ko ay si Sir Tamang, high school teacher.
Mula Novaliches Bayan, sumakay kami ng bus papuntang Munoz (P24) at sumakay ng LRT Munoz-Carriedo (P30).
At habang nasa byahe, excited at masaya ako dahil ito ang aking unang pagkakataon na mapunatahan lahat ng aking balak puntahan. :-)
Mula naman Carriedo, naglakad kami hanggang sa makarating kami sa Quiapo at upang magkaroon kami ng gabay at kaligtasan sa aming pupuntahan, hindi na namin pinalampas na magdasal sa Simbahan ng Quiapo na kung saan ay naroon ang itim na Nazareno na sinasabing nagdadala ng milagro. Dumaan kami sa gilid ng Simbahan at pumila sa pahalik ng Nazareno.
Ito ang aking unang pagpunta roon, nagdasal ako at humiling sa Panginoon.
Ang Plaza Miranda ay makikita sa harapan ng Bisilika Menro ng Nazareno, sa Simbahan ng Quiapo. Kilala ang lugar na ito bilang sentro ng diskrusong pampolitika sa Pilipinas bago ang imposisyon ng batas Militar noong 1972, dito naganap ang pagbobomba sa Plaza Miranda noong 1970 sa isang miting de abanse ng Partido Liberal, kung saan siyam na katao ang namatay.

Pagsakay ng LRT mula Munoz papuntang Carriedo |
Mula Novaliches Bayan, sumakay kami ng bus papuntang Munoz (P24) at sumakay ng LRT Munoz-Carriedo (P30).
At habang nasa byahe, excited at masaya ako dahil ito ang aking unang pagkakataon na mapunatahan lahat ng aking balak puntahan. :-)
Ang pagadarasal sa itim na Nazareno |
Harapang gate ng Quiapo Church |
Mula naman Carriedo, naglakad kami hanggang sa makarating kami sa Quiapo at upang magkaroon kami ng gabay at kaligtasan sa aming pupuntahan, hindi na namin pinalampas na magdasal sa Simbahan ng Quiapo na kung saan ay naroon ang itim na Nazareno na sinasabing nagdadala ng milagro. Dumaan kami sa gilid ng Simbahan at pumila sa pahalik ng Nazareno.
Ito ang aking unang pagpunta roon, nagdasal ako at humiling sa Panginoon.
Ang Plaza Miranda, 2011 |
Ang Plaza Miranda ay makikita sa harapan ng Bisilika Menro ng Nazareno, sa Simbahan ng Quiapo. Kilala ang lugar na ito bilang sentro ng diskrusong pampolitika sa Pilipinas bago ang imposisyon ng batas Militar noong 1972, dito naganap ang pagbobomba sa Plaza Miranda noong 1970 sa isang miting de abanse ng Partido Liberal, kung saan siyam na katao ang namatay.
Kasalukuyang umiiral ang Plaza Miranda bilang isang liwasan ng kalayaan, freedom park kung saan maaaring magtanghal ang mga tao ng mga kilos-protesta nang hindi kailangang humingi ng pahintulot mula sa pamahalaang panlungsod, at dahil libu-libong katao ang tumatawid dito araw-araw, kinikilala rin ito bilang Times Square ng Maynila
Kung pagbabasehan ang dalawang larawan sa itaas, masasabing walang bagong struktura ang itinayo sa gilid ng Plaza Miranda makalipas ang limang taon simula taong 2011.
Ang abandonadong Manila Metropolitan Theater |
Ang Manila Metropolitan Theater na kilala rin sa tawag na MET, ang pinakatanyag na istruktura sa Maynila noong panahong ang syudad ay tinaguran pang Milan of Asia. Tanghalan ito noon ng mga opera, vaudeville, zarzuela, the Manila Symphony at nagsilbi itong tahanan ng sining at kultura ng bansa.
Sa paglipas ng panahon, nawasak at nasira ang MET. Bumuhos man ang tulong para sa pagpapagawa nito, hindi pa rin ito naging sapat upang maibalik ang dati nitong katanyagan. At ngayo'y sinasabing may kababalaghan sa loob ng teatro.
Ang videong ito ay dokumentaryo ni Jay Taruc na pinamagatang Anino sa Dilim.
Ang fountain sa likod ng manumento ni Bonifacio na makikita rin ang gusali ng Manila Central Post Office |
Ang monumento ni Bonifacio na makikita sa gitna ng Plaza |
Naglakad kami hanggang sa marating namin ang Plaza Lawton o mas kilala rin sa tawag na Liwasang Bonifacio. Ang lugar na ito ay nanggaling at ipinangalan kay Henry Ware Lawton, isang heneral na Amerikano. Nonog 1963, pinalitan ang pangalan nito at ginawang Liwasang Bonifacio, na ipinangalan naman kay Andres Bonifacio na nanguna sa Katipunan noong panahon ng mga Kastila blang pagupugay sa kanyang kabayanihan
Ang pasukan sa Intramuros |
Ang Lyceum of the Philippines University (LPU) |
Ang saya sa pakiramdam na makatapak at makita ang lugar na ito. Nasabi ko sa sarili ko na isa akong dayuhan sa sarili kong bayan dahil ito ang unang pagkakataon na makita ang lugar na iyon. Tila isa akong batang dinala ng aking mga magulang sa Disneyland o hindi kaya ay sa Enchanted Kingdom dahil hindi maialis sa aking labi ang mga ngiti at sayang nararamdaman ko noong mga panahnog iyon. Nainitindihan ko naman ang
aking sarili dahil bago pa man ako pumunat sa Intramuros ay excited na talaga ako.
Habang naglalakad, maraming estudyante kaming nakakasabay dahil may mga naitayo ngang mga paaralan dito. Narito ang San Juan de Letran, Lyceum of the Philippines University at iba pang Unibersidad na halos magkakatabi lamang.
Daan sa Inramuros na masasabi kong katulad ng Great Wall of China |
Habang naglalakad kami, nasabi ko sa sarili ko na maswerte ako dahil nakita ko ang Intramuros na ganito ang kalagayan. Maaari kasing mabago ang pisikal na anyo nito at mawala o masira ang mga lugar dito kung matagal pa ako makakapunta dito.
Natuwa ako nang makita ko ang Intramuros ngunit mas natuwa ako nang nakakita ako ng gwardiya doon na ang uniporme ay nakadisenyo noong panahon ng mga Kastila. At bilang remembrance, nagpapicture ako kasama siya.
Gwardya sa Intramuros |
Mas naramdaman ko noon na makasaysayan ang lugar dahil sa gwardiya na aming nakita roon.
Hindi lang nila pinangangalagaan at pinoprotektahan ang Intramuros kundi makikitang pinahahalagahan din nila ito.
Para talaga kaming bumalik sa nakaraan!
Malawak na espasyo sa Intramuros na may mga kanyon |
Sobrang init man ng mga oras na iyon, di ko pa rin pinalamapas na makapagkuha ng litrato doon.
Napakalawak ng lugar na iyan na kung saan ay masarap na lugar upang pagpraktisan ng sayaw.
Sa aking palagay, mas mabuti pang dito na lamang ang destinasyon ng mga magpi-field trip dahil masaya rito at ligtas para sa mga bata.
Lalakarin lamang ang daang may harang na pader upang mapuntahan ang lugar doon na kung saan ay malaki ang espasyo na may mga kanyon.
Matatanaw mula roon ang Manila City Hall, ang Golf Course at mga Unibersidad katulad ng Letran, Lyceum at Mapua.
Ang pasukan sa Fort Santiago |
Kaya namang lakarin ang papunta ng Fort Santiago mula pasukan ng Intramuros ngunit minabuti na lamang namin na sumakay dahil tirik ang araw ng mga oras na iyon.
May bayad ang pagpasok sa Intramuros (P75).
Ticket upang makapasok sa loob ng Intramuros |
Binasa ko ang nakasulat sa likod ng ticket at nakalagay doon na sa pamamagitan ng ticket na nabili ay maaaring pumasok sa kahit anumang pasilidad sa Intramuros kabilang na ang Rizal Shrine Museum. Ipinagbabawal ang pagpipitas ng mga bulaklak at mga prutas. Ang Administrasyong Intramuros ay may kapangyarihang isuspinde ang bisa ng ticket sa makatwirang dahilan. At ipinagbabawal ang pagkakalat.
Bahagi ng Hardin sa loob na makikita pagpasok pa lamang |
Pagpasok pa lamang ay makikita na ang malawak na hardin at mga kalesang nakaparada na nag-aalok na pag-ikot ng dalawang beses sa Fort Santiago.
Isang lugar sa loob n bahagi ng malawak na hardin |
Estatwa ng mga prayle na kasing sukat ng tao |
Malawak ang parteng unahan ng pasukan ng Fort Santiago. Maganda ang view sa lugar na iyon.
Ilang lakad lamang mula sa unahang bahagi ng Fort Santiago na pinasukan namin ay mararating na ang main gate Fort Santiago noong ng pananakop ng mga Kastila.
Ang pader sa Fort Santiago na bagong ayos dahil nawasak ito noong WWII |
Ang mga bakas ng hakbang ng paa ni Rizal na hinulma sa Bronze |
Ang nasa kaliwang bahagi ay ang larawan na kung saan makikita ang main gate ng Fort Santiago na kung saan sa loob nito ay nakatira noon ang mga Kastila
Ang kanang bahagi naman ay nagpapakita ng mga bakas ng hakbang ni Rizal mula sa lugar kung saan siya ikinulong hanggang sa paapsok ng gate ng Fort Santiago.
Itaas na bahagi ng gate ng Fort Santiago |
Sa itaas na bahagi ng gate ng Fort Santiago, makikita ang inukit ang larawan ni St. James na kung saan sa kanya ipinangalan ang lugar.
Makikitang nakasakay ito sa kabayo at may hawak na espada.
Lugar na kung saan ikinulong si Rizal bago siya hatulan ng kamatayan sa Bagumbayan |
Marami akong nakitang mga mahahalagang lugar sa Intramuros. Kabilang na ang mga dungeons, mga lihim na daan at mga kulungan.
Nang makita ko ang lugar kung saan noon ikinulong si Rizal, nakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili. Iba ang pakiramdam ko. Tila may kurot sa aking dibdib at bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.
Mga dungeons sa Intramuros
Ang mga dungeons ay ang mga lugar na pinagtaguan ng mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang pandaigdig at lugar kung saan naman ang mahigit anim na raang Amerikano dahil sa gutom at hirap sa paghinga.
Listahan ng mga taong bumisita sa Museo |
Ang pasukan sa Museo ni Rizal |
Sinunod na naming puntahan ang Museo ni Rizal, dito pa rin sa Fort Santiago. Makikita dito ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman kay Rizal katulad ng mga kasuotan niya noong nabubuhay pa siya at ikinikwento ng museo ang naging buhay niya di lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
Mga makikita sa pagpasok ng Museo:
Mga mahahalagang dokumento at sulat:
Mga Kasuotan ni Rizal noon:
Iba pang mga makikita sa Museo:
Bilihan ng Souvenir:
Habang nasa loob kami ng Museo, masaya sa pakiramdam dahil nakita ko ang mga bagay na mahalaga at makasaysayan na may kinalaman sa ating pambansang bayani. May mga bagay na buhay pa rin hanggang sa ngayon na nag-iiwan ng mga ala-ala ng mga namayapa na nilang mga katawan. Isang karangalan para sa akin na makita ang mga ito. Ang saya
Pagsakay sa kalesa |
Paglabas ng Museo, lumabas na rin kami ng gate ng Fort Santiago, sumakay kami sa kalesa na nagkakahalaga ng P50 kada isang tao na dalawang ikot sa buong Fort Santiago. Hindi ako nanghinayang sa bayad dahil worth it naman kumbaga.
Habang nasa loob ng kalesa, nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang nagkakalesa, ngunit di na namin natanong ang kanyang pangalan. Ayon sa kanya, malakas daw ang turismo sa Fort Santiago noong panahon ni Dick Gordon na may tagline na Wow Philippines! At, nirerentahan daw ang malaking hardin dito bilang lugar ng kasalan at maging kaarawan din daw. Nakakatuwa si Manong dahil marami siyang nakukwento sa amin dahil matagal na siyang nagkakalesa sa Fort Santiago at alam niya ang kasaysayan nito.
Harapan ng Palacio del Gobernador |
Mula naman sa Fort Santiago ay naglakad kami papuntang Palacio Del Gobernador, na noo'y lugar kung saan ang Gobernador Heneral ay tumitira na ngayon nama'y nandito sa gusaling ito ang Commission on Election (COMELEC).
Harapan ng Manila Cathedral |
Sa tawid ng Palacio Del Gobernador matatagpuan ang pamosong simbahan ng Manila Katedral na orihinal na simabahan na itinayo sa Intramuros na nawasak noon at muling itinayo sa panibago na nitong lugar.
Ang Rizal Park o Luneta Park |
Matapos naming pumunta sa Fort Santiago, Intramuros, Palacio del Gobernador at Manila Katedral, nakakapagod man dahil sa paglalakad sa ilalim ng init ng tirik na araw, napakasaya ko dahil isa ito sa mga araw na di ko makakalimutan buong buhay ko. Kakaibang karanasan ang aking naranasan.
Bilang isang tao, nakatulong sa akin ang proyektong ito na pahalagahan ko ang aking sarili bilang isang Pilipino, na magkaroon ako ng utang na loob sa mga bayaning dahilan ng kalayaang natatamasa ngayon ng laha ng Pilipino.
Bilang isang estudyante, para sa akin, itong proyekto na ito ay higit pa sa isang proyekto. Hindi lang ito basta pagpunta at pagbisita sa mga makasaysayang lugar kundi pati na rin ay nagsilbi itong bonus sa akin bilang mag-aaral ng Kasaysayan ng Pilipinas.
Bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang bansang Pilipinas bilang bahagi ako ng pamilyang ito. Sa pagbisita ko sa mga lugar namakasaysayan, napagtanto ko na dapat bigyang halaga ko ang mga taong nagbuwis at nag alay ng sariling buhay sa mga lugar na iyon at gunitain ang kanilang kabayanihan.
Dagdag pa ang paglibot naming sa Rizal Park, na pinakatanyag na pasyaln sa buong Pilipinas, Naging saksi sa pagpatay sa tatlong paring Martir at Gat Jose Rizal, mas nakatulong ito upang maramdaman kong maswerte ako na maging isang Pilipiino.
Estatwa ni Lapu-Lapu |
Sa Rizal Park din makikita ang istatwa ni Lapu-Lapu na dambuhala sa laki.
Sa likod naman ng monument ni Rizal, makikita ang sinasabing photo bomber , ang Torre de Manila na naging kontrobersyal kung bakit ito itinatayo roon.
Monumento ni Rizal na makikita sa likod ang Torre de Manila |
Malawak ang buong parke na kaya na ditong magkasya ng buong Vatican City.
Replika ng buong Pilipinas |
Sa Rizal Park din bumuo at gumawa ng replica ng Pilipinas na kung titingnan ay nakamamangha talaga!
Pumunta ka rito at para mo na ring nalibot ang buong Pilipinas.
Sa paligid ng parke, nakadisplay ang mga iskultura ng mga taong naging lider ng kani-kanilang rebolusyon at mga taong ngtanggol sa Pilipinas..
Ang ilan sa mga ito ay sila:
Lapu-Lapu |
Diego Silang |
Graciano Lopez Jaena |
Monumento ni Rizal na bantay sarado ng mga Pulis |
Sa Luneta rin makikita ang eksaktong lugar ng kamatayan n iRzal at ang sinasabing 0km, ngunt hindi ko na ito nakuhaan ng litrato.
Ang mahalagang aral na natutunan ko sa proyektong ito ay dapat ipagmalaki ko ang aking sarili bilang isang Pilipino at bahagi ng pamilyang Pilipinas.
Ang kasaysayan ng isang bansa ay ang kanyang kayaman at mapalad ako dahil nakita ko ang mga kayamanang ito. Ang sarap sa pakiramdam na makatapak sa mga lugar na ito.
Sa lahat ng makakabasa ng blog ko, inaanyayahan ko kayong pumunta sa mga lugar na makasaysayan dito sa Pilipinas dahil iba sa pakiramdam ang makapunta sa mga ito.
Hindi mo mararamdaman ang pagiging isang tunay na Pilipino kung hindi ka pa nakararating sa mga makasaysayang lugar dito sa Pilipinas.
May oras ka pa! J
Mabuhay ang lahat ng mga Pilipino!
- Agoncillo, Theodoro A., "Ang PILIPINAS at ang mga PILIPINO", p.83
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Intramuros
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Intramuros#/media/File:Manila_1851.jpg)
- http://wikitravel.org/upload/shared//thumb/e/e4/Intramuros_map_captioned.png/400px-Intramuros_map_captioned.png)
- https://en.wikipedia.org/wiki/Fort_Santiago
- https://en.wikipedia.org/wiki/Fort_Santiago#/media/File:Fort_Santiago_1880_gate.jpg
- https://en.wikipedia.org/wiki/Fort_Santiago#/media/File:American_flag_raised_over_Fort_Santiago_8-13-1898.jpg
- https://en.wikipedia.org/wiki/Fort_Santiago#/media/File:Sherman_intramuros.jpg
- http://faq.ph/25-facts-you-should-know-about-rizal-monument-and-luneta-park/
- https://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Park
- http://faq.ph/wp-content/uploads/2015/07/Rizal-monument-closeup.jpg
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Plaza_Miranda
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Plaza_Miranda#/media/File:WTMP_Pangkat_B-4-1.JPG
- http://www.gmanetwork.com/news/story/317318/publicaffairs/iwitness/kasaysayan-at-misteryo-ng-manila-metropolitan-theater-aalamin-sa-i-witness
- https://www.youtube.com/watch?v=-oe8k4_qsTA
- http://wikimapia.org/820942/tl/Plaza-Lawton-Liwasang-Bonifacio
- https://en.wikipedia.org/wiki/Liwasang_Bonifacio